Imbestigador: Edukasyon sa Pilipinas
Ano ang inyong masasabi sa kalagayan ng edukasyon dito sa Pilipinas? Sumasang-ayon ka ba o hindi?
Sa tingin ko, ang edukasyon sa Pilipinas dapat pagbutihin pa ng husto dahil sa ngayon, maraming tao ang walang paraan makapag-aral. Dahil dito, nahihirapan ang mga tao kumuha ng trabaho kapag tumanda na sila. Sumasang-ayon ako sa sinabi sa dokumentaryo na nagsasabi na hindi maganda ang kalagayan ng edukasyon dito sa Pilipinas, dahil nakikita ko talaga ito. Maraming bata ang nagdudusa dahil sa masamang kalidad ng edukasyon. Para sa akin, dapat maghanap na ng paraan ang gobyerno natin para ayusin ang malaking problema na ito.
Sa iyong palagay, saan galing ang problema tungkol sa edukasyon?
Sa aking palagay, ang katiwalian sa loob ng gobyerno ang naging daan para sumama ang edukasyon dito. Maraming mga presidente, kabinete, alkade, senador, at iba pa ang naging tiwali. At, ang masama pa, parang lalo dumadami ito kada taon, kahit ginagawa na ang lahat para huliin ang mga ito. Ang katiwalian ay isang malaking dahilan dahil malaking porsiyento ng badyet ang nasasayang at napupunta sa mga walang kwentang bagay. Mas masama pa, halos kalahati o higit pa ang pumupunta sa mga bulsa ng mga pinuno.
Anu-ano ang dapat gawin upang maging mabuti ang sitwasyon ng pag-aaral ng mga karaniwang tao/masa?
Dapat mas gumastos ang gobyerno sa pag papatayo ng mga paaralan at husto pang sanayin ang mga guro sa pagtuturo. Sa paraang ito, magiging mas matino at mas magaling ang mga guro. Ibig sabihin nito, magiging mas mabuti na rin ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Sa pagpapatayo ng mas maraming paaralan, dadami ang bilang ng estudyante. Kung pagsamahin ang dalawang tungkulin na ito, magiging mas mabuti ang sitwasyon ng pag-aaral ng mga karaniwang masa. Pero siyempre, bago mangyari ito, dapat muna mawala ang katiwalian sa gobyerno o kahit mabawasan lamang ito sa susunod na mga taon hanggang mawala na talaga siya ng tuluyan.
Sa iyong murang edad, paano ka makatutulong sa problema sa edukasyon ng Pilipinas?
Makatutulong ako sa problema sa edukasyon ng Pilipinas sa pamagitan ng pag-bibigay ng mga libro o kahit anong gamit sa mga pampublikong paaralan. Ang mga lumang libro ay puwede na rin dahil magamit parin ang mga ito ng mga estudyante. Sa simpleng kilos na ito, nakakatulong na ako dahil puwede na silang magbasa ng mga libro, at ang pagbabasa ay mahalaga sa pagkakatuto ng isang tao, ano man ang edad. Hindi din ito mabigat para sa mga tao dahil na nagbibigay, dahil maraming tao ang may lumang libro na hindi na nila ginagamit. At imbis ang mga ito ay nasa garahe lamang, sa anumang paraan, malaking tulong na ito para sa mga mag-aaral.