Imbestigador: Edukasyon sa Pilipinas

Ano ang inyong masasabi sa kalagayan ng edukasyon dito sa Pilipinas? Sumasang-ayon ka ba o hindi? 

Sa tingin ko, ang edukasyon sa Pilipinas dapat pagbutihin pa ng husto dahil sa ngayon, maraming tao ang walang paraan makapag-aral. Dahil dito, nahihirapan ang mga tao kumuha ng trabaho kapag tumanda na sila. Sumasang-ayon ako sa sinabi sa dokumentaryo na nagsasabi na hindi maganda ang kalagayan ng edukasyon dito sa Pilipinas, dahil nakikita ko talaga ito. Maraming bata ang nagdudusa dahil sa masamang kalidad ng edukasyon. Para sa akin, dapat maghanap na ng paraan ang gobyerno natin para ayusin ang malaking problema na ito.

Sa iyong palagay, saan galing ang problema tungkol sa edukasyon? 

Sa aking palagay, ang katiwalian sa loob ng gobyerno ang naging daan para sumama ang edukasyon dito. Maraming mga presidente, kabinete, alkade, senador, at iba pa ang naging tiwali. At, ang masama pa, parang lalo dumadami ito kada taon, kahit ginagawa na ang lahat para huliin ang mga ito. Ang katiwalian ay isang malaking dahilan dahil malaking porsiyento ng badyet ang nasasayang at napupunta sa mga walang kwentang bagay. Mas masama pa, halos kalahati o higit pa ang pumupunta sa mga bulsa ng mga pinuno.

Anu-ano ang dapat gawin upang maging mabuti ang sitwasyon ng pag-aaral ng mga karaniwang tao/masa?

Dapat mas gumastos ang gobyerno sa pag papatayo ng mga paaralan at husto pang sanayin ang mga guro sa pagtuturo. Sa paraang ito, magiging mas matino at mas magaling ang mga guro. Ibig sabihin nito, magiging mas mabuti na rin ang edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Sa pagpapatayo ng mas maraming paaralan, dadami ang bilang ng estudyante. Kung pagsamahin ang dalawang tungkulin na ito, magiging mas mabuti ang sitwasyon ng pag-aaral ng mga karaniwang masa. Pero siyempre, bago mangyari ito, dapat muna mawala ang katiwalian sa gobyerno o kahit mabawasan lamang ito sa susunod na mga taon hanggang mawala na talaga siya ng tuluyan.

Sa iyong murang edad, paano ka makatutulong sa problema sa edukasyon ng Pilipinas?

Makatutulong ako sa problema sa edukasyon ng Pilipinas sa pamagitan ng pag-bibigay ng mga libro o kahit anong gamit sa mga pampublikong paaralan. Ang mga lumang libro ay puwede na rin dahil magamit parin ang mga ito ng mga estudyante. Sa simpleng kilos na ito, nakakatulong na ako dahil puwede na silang magbasa ng mga libro, at ang pagbabasa ay mahalaga sa pagkakatuto ng isang tao, ano man ang edad. Hindi din ito mabigat para sa mga tao dahil na nagbibigay, dahil maraming tao ang may lumang libro na hindi na nila ginagamit. At imbis ang mga ito ay nasa garahe lamang, sa anumang paraan, malaking tulong na ito para sa mga mag-aaral.

Ang Aking Estorya: Pagkain Mula Sa Pilipinas

Bilang isang Chino at Filipino, nasanay ako kumain ng iba’t ibang pagkain na galing sa maraming lugar. Hindi ko naman masabi may paboritong klaseng pagkain ako dahil may gusto ako sa bawat klase. Noong bata pa ako, hindi ako mahilig kumain ng pagkaing Filipino. Pinilit ako ng aking nanay na subukan ito, pero matigas ang aking ulo at hindi ako pumayag. Ang palabi kong sinasabi ay, “Yuckkk, hindi ko gusto ang mapait ng pagkain tulad ng Okra!”, ang sagot naman ng nanay ko ay, “Dapat subukan mo din ang iba pang pagkain noh. Mayroon namang sari-sari uring pagkaing Filipino at maramin ding matamis!”. Tumatawa lang ako at hindi parin niya ako na impluwensiyahan.

Noong mga anim na taong gulang palang ako, palagi na ako at aking pamilya pumupunta sa SM Mall of Asia dahil doon ako nag-eensayo para sa Figure Skating (lakwatsera na ako sa maagang edad!).  Isang beses, inisipan ng aking nanay na kumain kami ng aking tatay, nanay at lola magkasama-sama sa isang kainan na Filipino para maiba naman daw.


Napagpasyahan ni nanay na kumain kami sa Bangus. Ang Bangus ay isang kainan sa SM Mall of Asia na ang pagkain ay puro Filipino. Ang inorder namin ay Pinakbet, Pork Sisig, Lumpiang Bangus, at kanin.


Paborito ng aking nanay ang Pinakbet kaya binigyan ko nalang ng pagkakataon ito. Sumubo ako ng isang maliit na subo at linunok ko ito ng mabilisan habang kinain ng aking pamilya ang iba pang pagkain na nasa mesa.
“O, ano anak? Masarap noh? Ano ang lasa?”, tanong ng aking nanay.
“Eh… mapait! Pero may halong alat din. Ang sarap pala!”, sagot ko naman.

Ang saya ng aking nanay at tumawa ang aking tatay at lola. Bilang isang purong Chino, hindi gaano ka gusto ng aking tatay ang pagkaing Filipino- kahit dito na siya ipinanganak! Pero, gustong gusto ng buong pamilya ko ang Pinakbet. Malasa at masarap ito, lalo na pag mainit pa ito! Maraming sangkap ang Pinakbet katulad ng talong, kalabasa, okra, sitaw, at iba pang gulay at baboy rin.

Mango Tours- Filipino Food Pick - PinakbetPinakbet21

Ang nangyari ay, ang lalaki ng mga serving ng Bangus! Nabusog talaga kaming lahat at parang sumikip na ang aming pantalon (dahil lumaki na ang aming mga tiyan! ;)) Masigla kaming umalis sa kainan at naisipan ko na malambing talaga ang aking nanay. Kahit kailan pa, palagi niya akong sinasabihan tungkol sa masarap na mga pagkain dahil gusto niya matikman ko ito.


Sa mga pagkaing Filipino, napansin ko na karanasan mayroong maraming mga pampalasa na kasama. May halong maalat dahil mahilig ang mga Filipino sa ganong lasa at medyo maraming tao din ay may gusto sa maanghang na pagkain.

Sanggunian: (larawan)
<http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/03/Dinagyang_2009_grilled_meat_on_display.jpg&gt;
<http://www.bangusresto.com/images/menu1.jpg&gt;
<http://www.philja.com/bbs/pds/philfood/1232511693.jpg&gt;
<http://panlasangpinoy.com/2009/09/09/filipino-food-vegetable-dish-pinakbet-pakbet-tagalog-recipe/&gt;
<http://1.bp.blogspot.com/-uZFNkWgsXg8/UWgW5DcNxUI/AAAAAAAAKAQ/EmaQSi9fUaw/s1600/Mango+Tours-+Filipino+Food+Pick+-+Pinakbet.jpg&gt;
<http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/themes/Beginning_Lessons_1/family/mag-ina%20sa%20banig_nestor_leynes_1960.jpg&gt;
<http://3.bp.blogspot.com/-h4Zg-L1PlHU/UcwpoKVgKSI/AAAAAAAAHj0/SEN69et7He0/s1600/20130629.04.Where+to+eat+in+San+Juan+La+Union+Urbiztondo+Grill+Surfing+Surf+Trip.jpg&gt;

Paano ninyo nakikita ang kulturang Filipino sa kasalukuyan?

Ang kulturang Filipino ngayon ay hindi na gaanong sinusunod kompara sa noon. Ngayon, maraming Filipino ay gustong umalis ng bansa para magtrabaho sa ibang bansa. Uso na ang pagiging isang ‘OFW’ dahil sa laki ng suweldo sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas. Ang problema dito ay palaging iniiwanan ang kanilang mga anak at pamilya at siyempre, nahihirapan ang kanilang mga anak dahil wala silang nanay o tatay.

Ang tingin ko sa sariling wika ay hindi na ito gaanong ginagamit sa ngayon. Ang wikang Ingles ay palagi ng ginagamit sa Maynila, pero marami paring maruong mag-Tagalog. Yun lang nga, may kaiisapan ang mga Pinoy na dapat marunong mag-Ingles para makausap ang maraming tao, lalo na sa ibang bansa. Marami ding mga iba’t ibang dialekto na ginagamit sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.