Ang Aking Estorya: Pagkain Mula Sa Pilipinas

Bilang isang Chino at Filipino, nasanay ako kumain ng iba’t ibang pagkain na galing sa maraming lugar. Hindi ko naman masabi may paboritong klaseng pagkain ako dahil may gusto ako sa bawat klase. Noong bata pa ako, hindi ako mahilig kumain ng pagkaing Filipino. Pinilit ako ng aking nanay na subukan ito, pero matigas ang aking ulo at hindi ako pumayag. Ang palabi kong sinasabi ay, “Yuckkk, hindi ko gusto ang mapait ng pagkain tulad ng Okra!”, ang sagot naman ng nanay ko ay, “Dapat subukan mo din ang iba pang pagkain noh. Mayroon namang sari-sari uring pagkaing Filipino at maramin ding matamis!”. Tumatawa lang ako at hindi parin niya ako na impluwensiyahan.

Noong mga anim na taong gulang palang ako, palagi na ako at aking pamilya pumupunta sa SM Mall of Asia dahil doon ako nag-eensayo para sa Figure Skating (lakwatsera na ako sa maagang edad!).  Isang beses, inisipan ng aking nanay na kumain kami ng aking tatay, nanay at lola magkasama-sama sa isang kainan na Filipino para maiba naman daw.


Napagpasyahan ni nanay na kumain kami sa Bangus. Ang Bangus ay isang kainan sa SM Mall of Asia na ang pagkain ay puro Filipino. Ang inorder namin ay Pinakbet, Pork Sisig, Lumpiang Bangus, at kanin.


Paborito ng aking nanay ang Pinakbet kaya binigyan ko nalang ng pagkakataon ito. Sumubo ako ng isang maliit na subo at linunok ko ito ng mabilisan habang kinain ng aking pamilya ang iba pang pagkain na nasa mesa.
“O, ano anak? Masarap noh? Ano ang lasa?”, tanong ng aking nanay.
“Eh… mapait! Pero may halong alat din. Ang sarap pala!”, sagot ko naman.

Ang saya ng aking nanay at tumawa ang aking tatay at lola. Bilang isang purong Chino, hindi gaano ka gusto ng aking tatay ang pagkaing Filipino- kahit dito na siya ipinanganak! Pero, gustong gusto ng buong pamilya ko ang Pinakbet. Malasa at masarap ito, lalo na pag mainit pa ito! Maraming sangkap ang Pinakbet katulad ng talong, kalabasa, okra, sitaw, at iba pang gulay at baboy rin.

Mango Tours- Filipino Food Pick - PinakbetPinakbet21

Ang nangyari ay, ang lalaki ng mga serving ng Bangus! Nabusog talaga kaming lahat at parang sumikip na ang aming pantalon (dahil lumaki na ang aming mga tiyan! ;)) Masigla kaming umalis sa kainan at naisipan ko na malambing talaga ang aking nanay. Kahit kailan pa, palagi niya akong sinasabihan tungkol sa masarap na mga pagkain dahil gusto niya matikman ko ito.


Sa mga pagkaing Filipino, napansin ko na karanasan mayroong maraming mga pampalasa na kasama. May halong maalat dahil mahilig ang mga Filipino sa ganong lasa at medyo maraming tao din ay may gusto sa maanghang na pagkain.

Sanggunian: (larawan)
<http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/03/Dinagyang_2009_grilled_meat_on_display.jpg&gt;
<http://www.bangusresto.com/images/menu1.jpg&gt;
<http://www.philja.com/bbs/pds/philfood/1232511693.jpg&gt;
<http://panlasangpinoy.com/2009/09/09/filipino-food-vegetable-dish-pinakbet-pakbet-tagalog-recipe/&gt;
<http://1.bp.blogspot.com/-uZFNkWgsXg8/UWgW5DcNxUI/AAAAAAAAKAQ/EmaQSi9fUaw/s1600/Mango+Tours-+Filipino+Food+Pick+-+Pinakbet.jpg&gt;
<http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/themes/Beginning_Lessons_1/family/mag-ina%20sa%20banig_nestor_leynes_1960.jpg&gt;
<http://3.bp.blogspot.com/-h4Zg-L1PlHU/UcwpoKVgKSI/AAAAAAAAHj0/SEN69et7He0/s1600/20130629.04.Where+to+eat+in+San+Juan+La+Union+Urbiztondo+Grill+Surfing+Surf+Trip.jpg&gt;

6 comments

  1. joseph · September 30, 2014

    Ang estoria na ito ay magaling maglarawn ang kulutrang filipino diyan. At ang blog na ito ay isang pinaka mapanlikha kase madami siyang pitures.

    Liked by 1 person

    • this is xavie · September 30, 2014

      =====>

      Like

  2. sdelcarmen22 · September 30, 2014

    Maraming mga detalye ang istorio mo at maraming litura.

    Liked by 1 person

  3. davidgriffiths762 · September 30, 2014

    Nagpapakillala ang aking estoria ay mabait.

    Liked by 1 person

  4. Summer M · September 30, 2014

    Maganda ang pagsusulat mo sa kwento na ito. Nagustuhan ko kung paano sinulat mo ito dahil natuwa ako sa kwento at parang hindi ko lang binasa dahil kailangan ko. Mahusay 🙂

    Liked by 1 person

  5. sofiaapuno · October 2, 2014

    Ang pagsulat mo ay soberang interesante at magaling. 🙂

    Like

Leave a comment